Apat na Taon ng Katatagan: Pamana ng Kahapon, Inspirasyon ng Bukas
☕ Tara, kapihan tayo, mga ka-Pamana! Inaanyayahan ang lahat ng miyembro ng Pamana Tomasino na makiisa sa ating Kapihan Series bilang pagdiriwang ng ikaapat na anibersaryo, na may…
Ipinagmamalaki ng Pamana Tomasino ang pakikilahok ng ating President & Founding Chair, Atty. Donna Mae M. Dado, sa Community of Local Affiliates Studying the Past (CLASP) Assembly na ginanap noong August 3–4, 2026 sa George Town, Penang, Malaysia. Inorganisa ng Southeast Asia Research and Exchange Program (SEASREP) Foundation, ang CLASP Assembly ay ang pagsasama-sama ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang local heritage organizations, museums, cultural institutions, at mga heritage practitioners sa buong Southeast Asia upang magbahagi ng kaalaman, palakasin ang ugnayan, at isulong ang pangangalaga ng ating magkakatulad na kasaysayan at pamanang kultura. Bilang kinatawan ng Pamana Tomasino, nakibahagi si Atty. Donna sa mga talakayan at workshop na nakatuon sa pagpapalitan ng mga karanasan, pagtugon sa mga hamon sa heritage conservation, at pagpapalawak ng mga oportunidad para sa regional collaboration. Isang karangalan para sa Pamana Tomasino na maging bahagi ng makabuluhang pagtitipong ito. Patuloy nating isusulong ang pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura ng Lungsod ng Sto. Tomas habang nakikipagtulungan at natututo mula sa mga kapwa tagapagtaguyod ng pamana sa buong Southeast Asia. Mula sa Lungsod ng Sto. Tomas, patuloy nating ipinapakilala at ipinagmamalaki ang ating pamana sa mas malawak na komunidad.

☕ Tara, kapihan tayo, mga ka-Pamana! Inaanyayahan ang lahat ng miyembro ng Pamana Tomasino na makiisa sa ating Kapihan Series bilang pagdiriwang ng ikaapat na anibersaryo, na may…
Nakiisa ang Pamana Tomasino, sa pamamagitan ni Ms. Lalaine Soriano, miyembro ng Board of Trustees, sa mga gawain ng LHCN 2026 sa Lungsod ng Biñan, Laguna. Bahagi ito…
Noong June 26, 2026, matagumpay na isinagawa ng Pamana Tomasino, sa pakikipagtulungan sa National Historical Commission of the Philippines, ang "Tapat sa Watawat" bilang culminating activity para sa…