“ Palengke”. Tibok ng Wikang FilipinoAng palengke ay higit pa sa lugar ng kalakalan. Dito buhay ang wikang Filipino sa bawat usapan, tawaran, at karatulang gumagabay sa mamimili. Ipinapakita ng larawang ito na ang ating wika ay patuloy na ginagamit at pinagyayaman sa pang-araw-araw na pamumuhay ng komunidad.by Josaiah Faith E.
PANANALIKSIKAng larawang ito ay nag papakita ng pagtuturo tungkol sa pananaliksik, dahil ginagamit natin sa araw araw ang pananaliksik lalo na sa mga estudyante na may kailangan magsaliksik ng kanilang mga aktibiti, itunuturo saamin ng aming guro ang pananaliksik upang mas matutunan namin ang mga paraan kung paano gamitin ng tama ang pananaliksik, at nakikita din sa larawan na ginagamit naming pang klase ay gamit ang internet dahil hindi makaattend ang aming guro kapag sa silid aralan siya nag turo dahil nasa malayong lugar siya at may inaayos na mahalaga, ngunit napili pa rin niyang mag turo saamin sa pamamagitan ng internet para may mas matuto kami tungkol sa pananaliksikby Angel Magdiel C.
Karriedo: Alaala at PaglalakbaySa bawat pagdaan ng tren sa Karriedo, nabubuo ang mga alaala at kuwento ng mga taong patuloy na lumalaban sa buhay sa Maynila.by Prince Ghian M.
"ANG SILYA NG WIKA"Sa bawat aklat na isinusulat at binabasa sa wikang Filipino, nananatiling buhay ang ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan. Ang Kulang na Silya ni Ricky Lee ay hindi lamang isang aklat, kundi isang patunay na ang wikang Filipino ay patuloy na nagiging tahanan ng mga kuwento, damdamin, at katotohanang sumasalamin sa ating lipunan.
Sa pagbubukas ng bawat pahina, hindi lamang tayo nagbabasa ng isang kuwento—pinahahalagahan din natin ang wikang nag-uugnay sa bawat Pilipino. Sapagkat ang bawat aklat na nakasulat sa ating sariling wika ay isang paalala na ang Filipino ay hindi lamang ginagamit sa pakikipag-usap, kundi isa ring makapangyarihang kasangkapan sa pagkatuto, paglikha, at paghubog ng kamalayan.by Angel Mae L.
Wikang Buhay sa Sari-Sari StoreSa isang maliit at simpleng tindahan, buhay ang wikang Filipino sa bawat pabili, utang, bayad, at sukli.by Charmel A.
SimbahanTapat Dapatby Geean Lyrson E.
kainanAla Ehby Allysa Vernyce E.
Buhay ang Wika sa PaaralanIpinapakita ng larawang ito kung paano nabubuhay ang wikang Filipino sa loob ng paaralan. Sa mga karatula, anunsyo, at pang-araw-araw na pakikipag-usap ng mga mag-aaral at guro, patuloy na ginagamit ang Filipino bilang wika ng pagkatuto at pagkakaisa.by Janrell M.
WIKANG BUHAY SA LARAWAN"Sa daan patungo sa Bunganga ng Taal, hindi lang paa ang gumagalaw - pati wika. 'Apatot', 'tawa-tawa', 'kampupot'... mga pangalang pamana pa ng mga ninuno. Sa bawat dahon at ugat, may salitang Filipino na buhay pa rin hanggang ngayon. #WikangBuhaySaLarawan #BuwanNgWika2026"by Shiela Mae C.
Aklat ng Nakaraanhuwag mo akong salinginby Lannielyn A.
Buwan ng wikaHindi mabubuo ang wika kung walang samahang na nabubuoby Arlche R.
Legacy in BronzeA detailed bronze marker, situated prominently in Manila's Rizal Park, preserves the historical narrative of the iconic Jose Rizal Monument. Cast in 1913, the plaque outlines the monument's significance as the national center of the Philippines, dedicated to the memory of the country's national hero.by Alexander C.
UNANG PWESTOpagkamit ng unang pwesto sa pamamagitan ng katapatanby Ma. Zeresh M.
Sigaw Ng MamamayanPoster na kumakatawan sa gustong iparating ng mga mamamayang hindi na makasabay sa taas ng bilihin.by Gabriel John Daniel O.
Tanawin ng Kapayapaantahimik at masarap na tanawin sa lugar ng alaminos. Madaming tao ang pwede mong makasalamuha sa lugar na ito at iisa lang ang pinag kapare- parehas ayun ay may magandang kwento ang lugar nito para sa lahat ng taong napapadaan dito.by Poulaloise Elise A.
Trike Diver HardshipsEvery day life of an trike driverby Gian Carlo G.
SarangolaAng huling dalawang linggo—limang araw ng pagpasok sa paaralan, hindi upang mag-aral at sumagot ng mga pagsusulit, kundi upang mag-ensayo para sa pinakahihintay na araw na magsisilbing wakas sa aming paglalakbay bilang mga estudyante sa hayskul. Nakakabaliw isipin kung paano kayang ibuod ng isang kanta ang lahat ng hirap na aming naranasan at mga bagay na aming natutunan. Hindi man nito kayang mailarawan ang masasayang alaala ng pagkakaibigan at pagsasamahan ng detalyado, ngunit sa pamamagitan ng awiting ito ay naipagdiwang namin ang mga tagumpay at mga kuwentong nabuo nang magkakasama.by Johanne Andie O.
Buwan ng WikaSalita or lesson na itinuturo sa baitang 2by Ashley H.
The Hearts and Minds of ManilaSet in stone against the ancient walls of Intramuros, this bronze plaque serves as a powerful testament to the memory of the estimated 100,000 defenseless Filipino civilians who lost their lives during the brutal Battle for the Liberation of Manila in early 1945. It provides a sobering historical account, directly attributing the massive loss of life to "heinous acts" committed by Japanese Imperial Forces and "heavy artillery barrage" from American Forces. The weathered marker captures more than just history; it preserves the grief and resilience of a city, fulfilling its stated purpose to ensure the lives lost "remain forever in the hearts and minds of the Filipino people."by Nicole B.
Ang aking munting tagumpay.Ang sining na ito ay ang aking ginawang slogan noong kabilang taon sa slogan making contest sa aming paaralan noong buwan ng wika kung saan ako ay nakakuha ng parangal at nanalo ng 2nd Place.by Gerald M.
TransportasyonIpinapakita ng larawan na ito na napakahalaga ng transportasyon. at ito na rin ang nagiging kanlungan o sandalan bago umuwi sa tahanan.by Merrylan A.
Sliver of Identitymangyan word represent indigenous communities that we should protect and to be proud of, as they are part of our cultureby John Kenneth C.
Buwan ng WikaAng Pagmamahal ay pag-unawa at pag intindiby Solmiano, Sohjie
BUWAN NG WIKA "PAKIKISALAMUHA"Napili ko ang salitang Pakikisalamuha dahil ipinapaalala nito na ang Wikang Filipino ay hindi lang ginagamit sa pagsasalita, kundi sa pakikipagkapwa-tao. Sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba, mas nagkakaunawaan tayo, nagkakaroon ng respeto sa isa't isa, at nagkakaisa bilang mga Pilipino. Dahil kapag marunong tayong makisalamuha gamit ang sariling wika, ipinapakita natin na pantay-pantay tayo at walang naiiiwan. Ang wika ang nagiging daan para magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad.by Aciel B.
Wikang Filipino sa Bawat PahinaAng mga aklat natin, ito man ay naglalaman ng mga kaalaman o istorya ay binubuo ng ating wikang Filipino. Ito ay sumasalamin sa ating kultura o mga nakasanayan. Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay mas naaalala natin ang kahalagahan ng ating sariling wika sa ating pagkatuto.by Daniella R.
Bawal UtangIsang simpleng paalala sa tindahan, ngunit salamin ng wikang ginagamit sa tunay na buhay—direkta, pamilyar, at bahagi ng pakikipagkapwa.by Katherine Joy M.
ITO ANG KINALAKIHAN KO!Sa larawang ito'y makikita ang ilan sa mga kakaiba, subalit tatak Pinoy na gawain ng mga ordinaryong Pilipino sa araw-araw na pamumuhay. Inilalarawan nito ang pagiging praktikal at pagreresiklo ng ilang Pilipino sa mga bagay na mapapakinabangan pa, sa halip na itapon, at paggamit ng kahoy sa pagluluto. Ika nga; "Wala pa rin tatalo sa nakasanayan ng mga Pilipino."by Ma. Nicole M.
Wikang HumuhubogMagandang araw po, Ginang, Ginoo, at Bb.
Ngayong buwan ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang Wikang Filipino.
Kaya naman para sa aking paliwanag, nais kong ibahagi ito:
Ang Wikang Filipino ang wika ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng ABAKADA,
dito unang natutong bumasa ang mga bata, natukoy ang mga bagay sa paligid,
at natutong magpahayag gamit ang ating sariling wika.Ito ang itinuturo sa paaralan at sa tahanan.
Kaya naman napakahalaga nito sa ating bansa, sapagkat ito ay sagisag at
simbolo ng pagiging Pilipino at ng ating pagkakakilanlan.by Aiziel C.
The surrender of the top generalIpinapakita dito na hindi sa lahat ng pagsuko ang dahilan ay dahil duwag o mahina, dahil minsan ang pagmamahal sa sariling pamilya at kapwa ay isang simbolo na din ng kapayapaan.by Mae Goldie Anne M.
"Sa pamilihan, Bawat Mamamayan at Pagkakakilanlan:Dito sa pamilihang lungsod wika ang Buhay at Bawat Tomasino ay nabibigyang kulay."by Lovely Shane G.
KITASa bawat barya, kita agad ang halaga ng bawat biyahe patungo sa tamang kinaroroonan.by Jodie C.
Alituntunin na mahirap gawin.Alituntunin na Mahirap Gawin
Ang tamang segregation ng basura ay isang alituntunin na minsan ay mahirap gawin, lalo na kung nakasanayan na nating pagsamahin ang lahat ng basura. Ngunit sa simpleng paghihiwalay ng nabubulok, di-nabubulok, at recyclable, nakatutulong tayo sa pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga sa kalikasan. Mahirap man sa simula, magiging madali rin ito kapag nasanay at naging bahagi na ng ating araw-araw na gawain.by Athena Rylee M.
Dugo’t pawis ang puhunan,Ang pahayag na “barya lang po sa umaga” ay isa sa nakikinig natin kada umaga. Dito kumakatawan ang pagsisikap, pursige at tiyaga na kumita sa buong maghapon. Kahit na may kaliitan ang kanilang kita ay pursigido pa din silang ipagpatuloy ang paghahanap buhay para lamang maitawid ang buong araw nila o kanilang mga pamilya. Sa init at ulan ay patuloy silang lumalaban, sa trapiko at sa tagal ng tinatagal nila sa daan at patuloy silang lumalaban ng patas. Ang perang kanilang kinikita ay hango sa patas na pakikipagsapalaran kaya nararapat na ang lahat ay lumaban ng patas at hindi kurapin.by Alexandra Ysabel D.
Di-nabubukokmga bagay na hindi madaling mabulok o masiraby Kurt Arkhe Briones R.
“Maliit na Hakbang, Malaking Ambag"Wastong pagtatapon ng di-nabubulok na basura para sa kalinisan at pangangalaga ng ating kapaligiran.by Antonio Jay M.
Aklat ng PagkilalaIsang aklat na nagpapakita kung paano ginagamit ang wikang Filipino sa edukasyon, at kung paano nito hinuhubog ang pagkilala ng kabataan sa sariling wika.by Herishden Achilles T.
Buwan ng Wikaang pagpapahalaga ay ang pagkilala sa halaga ng mga tao, bagay, at pagkakataon sa aking/ating buhay at pagpapakita nito sa pamamagitan ng aking/ating mga kilos.by Seva, Angel
"BATANG TR3S": Ang Wika at Simbolo ng Ating IdentidadSa bawat pagbanggit ng salitang "Batang Tres," buong-giting na naipapahayag ang sariling identity at pagkakaisa ng mga mamamayan sa Poblacion 3. Nagsisilbi itong buhay na patunay kung paano nagiging daluyan ng ating kultural na dignidad ang Wikang Filipino sa pang-araw-araw na buhay. Ang natatanging katawagang ito ay nag-iiwan ng pambihirang markang nagbubuklod sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng buong pamayanan.by Arkins Gabriel V.
Bote Mo, I-Print Ko: Tulay sa Kalikasan at EdukasyonAng proyektong "Bote Mo, I-Print Ko" ay isang makabuluhang inisyatibo na nag-uugnay sa pangangalaga ng kalikasan at sa mga pangangailangang pampaaralan ng komunidad. Sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga basyong plastik na bote para sa serbisyo ng pagpaprint, natutulungan nito ang mga mag-aaral habang aktibong nababawasan ang kalat sa paligid. Ang malikhaing gawaing ito ay patunay na ang disiplina at malasakit sa kapaligiran ay mayroong direktang positibong pakinabang sa bawat mamamayan.by David John B.
Gulaysmall vegetables selling businessby Laurice Joy L.
Sigla sa PalengkeSa gitna ng masiglang hapag-kainan ng mga tindahan sa palengke, bawat tao dito ay nagtataglay ng sariling kuwento. Mula sa mga pamilyang naghahanap ng masasarap na hapunan, mga kaibigang nagbabahagi ng tawanan at kwentuhan, hanggang sa mga nag-iisa na naghahanap ng kapayapaan sa bawat subo, ang pagtitipong ito ay hindi lamang tungkol sa pagkain, kundi sa mga buhay na nagsasalubong at nagbibigay kulay sa karanasang ito.by Qwyncy D.
Sa Lilim ng Isang WikaSa bawat taong kinakatawan sa larawan, makikita ang pagkakaisa at pag-asang patuloy na sumusulong ang ating bayan.by Sonny Jr. S.
Wika ng tindahan, wika ng bayanTindahang pinoy, wikang pinoyby Chezka loraine guevarra L.
Wika ng tindahan, wika ng bayanTindahang tomasino, wikang pinoby Prince Gabriel Benjamin D.
Pagkaing Karaniwang Makikita sa mga KarinderyaPagkaing Karaniwang Makikita sa mga Karinderya
Ang larawang ito ay nagpapakita ng isang karaniwang menu na makikita sa mga karinderya o simpleng kainan sa Pilipinas. Makikita rito ang mga paboritong pagkaing Pinoy tulad ng sisig, dinakdakan, lechon kawali, at tapa. Makikita rin ang iba’t ibang uri ng pansit gaya ng lomi, bihon, at canton. Ang mga pagkaing ito ay patok sa mga Pilipino dahil masarap, nakakabusog, at karaniwang abot-kaya ang presyo.
Ipinapakita rin ng larawan kung gaano kahalaga ang mga karinderya sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Dito madaling makakain ang mga tao ng mga sikat at tradisyonal na pagkaing Pinoy nang hindi kinakailangang gumastos nang malaki. Kaya naman, ang ganitong uri ng kainan ay naging bahagi na ng kulturang Pilipino at makikita sa maraming lugar sa bansa.by Janella B.
Araw ng ParangalAraw ng parangal ng aking kapatidby Dwayne Austine S.
Mainit na Turon para sa Muling Pagbangonang turon ay isang tradisyonal na meryenda dito sa ating bansa, at itoy bumabagay sa kahit anong klima, mapa-mainit man o malamig pa yan. kaya't kahit anong problema ang dumating, basta may turon, muli tayong makakabangon.by Jhane Kate L.
Ang kakayahan ng taong bayanMatutunghayan sa litrato ang kakayahan ng Pilipino na maipakita ang kanilang mga produktoby Raphael Martin Sison M.
Estudyante't Anak Puno ng Pangarapang litratong ito ay naglalanaman ng estudyante at ang mga salitang pilipino, kung titinginang maigi para lamang siyang nakatingin sa kanyang dalawang magka-ibang buhay, ang pagiging anak at estudyante.by Yzabel Anne M.
Pananalig At PagasaAng imahe na ito ay isang lugar kung saan tumatakbo ang mga tao upang makadama ng seguridad sa kanilang buhay sa panahong maraming problema na kinalaharap, ito rin ang lugar kung saan tumatatag ang luobin ng bawat pilipino.by Divine Elysa M.
sign of welcomingthe picture i submitted indicates the welcoming and what location you are in. it is a genuine sign used daily by people who travel and pass or drive by it.by Marl Scott V.
"Jeepney"Ang jeepney, isang vehicle na nagbibigay buhay sa mga pilipino. Hindi lamang ito isang trabaho, kundi isa ring transportasyon na ginagamit ng mga pilipino upang makarating sa kanilang destinasyon at paroroonan. Ang jeepney ay sumisimbolo sa mga paghihirap ng mga jeepney drivers upang makakita ng sapat na salapi para sa pamilyang binubuhay. Saludo sa mga jeepney drivers!! 🇵🇭🫡🚐by Chloe Mae O.
Filipino sa PagsunodSimpleng talata. Simpleng nakapaskil sa pader. Simpleng tarpauline.
Kung mas bubulayin, ang tapat na pagsunod ng mga Filipino. Sa ating wika, ang pagsunod ay napapakita, at pagbibigay ng batas, at magalang na pakikisuyo.
Ang batas ay hindi para sa iba kundi para sa atin mismo, at sa pamamagitan ng Filipino mas napapatatag ito.by Aliyah Nicole B.
"Wika sa Pamilihan:Buhay ng Kulturang Pilipino"Sa bawat tawad, tawag, at usapan sa pamilihan, buhay ang wikang Filipino. Dahil dito makikita kung paano nagiging bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang wika at kulturang Pilipino.by Nicole Jasmine A.
Umaga/TanghaliUmaga/Tanghali-lalagyan ng gamotby Princess Denise M.
Paalala sa Sari sari storeSa larawang ito ipinapakita kung paano paalalahanan ng nag mamay-ari ng tindahan ang mga mamimili upang maging mulat at alam ng mga mambibili ang dapat at hindi dapat gawin sakanilang tindahan..
Ang simpleng paalala ay hindi lamang gumagamit ng salita kundi pati gumagamit rin ng sulat upang mag bigay kaalaman sa mga taong nakakakita o nakakabasa nitoo...
Ang paggamit ng simpleng wikang pilipino ay napaka halaga na upang bigyang kaalaman ang mga tao sa paligid...by Lovely joy V.
Ang donatanbawal buksan kase madame pang bibili at isapa maari ito pasukin ng kahit anong insektoby Zyred Robert G.
A Ride Through MemoriesA glimpse of everyday life inside a jeepney, where simple moments, familiar words, and passing scenery become part of the journey.by Prince Carl N.
Bawal Utang DitoTradisyon ang salitang "Bawal Utang Dito" sa bawat tindahan na makikita mo sa paligid natin, dito mas naiintindihin natin ang totoong ipinapahiwatig ng bawat tindahan mapupuntahan mo. Malaking tulong na naiintindihin natin ang wikang nakasulat sa bawat tindahan. Sa simpleng salita at pag kilala sa wika nag kakaintindihan tayo.by Lorhaine S.
Tindahang Pilipino, Taglay ang Wika Mo!Ipinapakita ng larawang ito kung paano nabubuhay ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng komunikasyon sa pagitan ng tindera at mga bumibili.by Frencheska M.
Barya lang sa umagaAng simpleng paalala gamit ang wikang pilipino ay napaka halaga na upang maintindihan at paalalahan ang mga pasahero at mam-babasa sa nakasulat na karatula at upang makatulong narin sa driver ng isang pampasaherong sasakyanby Andrei Bhon M.
Bawat kainan ay may masasarap na inihahainSa bawat kainan Dito ay may masarap na hinahain,Dito makikita kung gaano kasarap Ang mga hinahain ngunit ito Ang ating pangunahing pag kain na kinikilala tayo bilang batangueñoby Fiona Marie H.
bawal mag tapon ng basura ditoIsang basura lang, pero ang epekto pangmatagalan.
Kaya bawal magtapon ng basura dito.
Panatilihin nating malinis, hindi lang para sa atinby Angela Nicole A.
Tindahan Ko ’To: Wikang Buhay sa PamayananSa simpleng karatulang ‘Tindahan Ko ’To,’ makikita kung paano nabubuhay ang wikang Filipino sa pang-araw-araw na buhay. Hindi lamang ito pangalan ng isang tindahan, kundi bahagi ng pagkakakilanlan at pakikipag-ugnayan ng mga tao sa komunidad.by Trazy Mae M.
"Karinderyang Pinoy"Sa bawat sulok ng karinderya, makikita ang simpleng buhay at masarap na pagkaing kinalakihan ng mga Pilipino. Sa halagang abot-kaya, ang lumpia, turon, bagnet, at iba pang meryenda ay nagbibigay ng busog at saya sa bawat kumakain. Hindi man ito mamahalin o marangya, taglay nito ang lasa ng tahanan, sipag ng mga nagtitinda, at kulturang patuloy na buhay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa likod ng bawat pagkaing nakahain ay ang mga taong araw-araw na nagsisikap upang maitaguyod ang kanilang pamilya. Para sa marami, ang maliit na karinderya ay hindi lamang negosyo kundi pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan. Sa bawat paninda at bawat pisong kinikita, naroon ang pagod, tiyaga, at pangarap na mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa simpleng meryenda, nasasalamin ang sipag ng mga Pilipinong patuloy na lumalaban at nagsusumikap sa buhay.by Dreya Allyson G.
Babala Para Sa KalinisanIsang karatula na may nakasulat na babala na
"Bawal Magtapon at Magsunog ng Basura" at kung sino man ang lumabag dito ay pag mumultahin ng 500 pesos Hanggang 5,000 pesosby Matt Yuan E.
"Wikang Filipino sa Pamilihan: Mga Pagkaing Gawang Pinoy"Mula sa Siopao hanggang sa Bicol Express, Halina't Tikman sa Lugaring Naghahain ng Tunay na sarap ng Putaheng Bicolby Edric Justin F.
Buwang Alay Para Sa ‘YoSa bawat salitang Filipino, dala natin ang ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang wika ay hindi lamang paraan ng pakikipag-usap, kundi bahagi ng kung sino tayo bilang mga Pilipino. Dito natin naipapahayag ang ating mga saloobin, naibabahagi ang ating mga kuwento, at naipapasa ang mga tradisyong minana natin sa mga nauna sa atin.
Ngayong Buwan ng Wika, ipagdiwang natin ang wikang sariling atin. Patuloy natin itong gamitin, mahalin, at ipagmalaki. Sapagkat habang buhay ang ating wika, patuloy ring buhay ang kulturang Pilipino.by Faith Colyn M.
Pagkaing pinoyMasasarap na pagkaing pinoyby Uriel Lauta V.
O Kalikasan, Ating Tahanan"Hindi lang pala tao ang naninirahan sa mundo, may mga hayop din palang nabubuhay sa kalikasan na ito." Ito ang unang pumasok sa aking isip noong nakita ko ang karatulang laman ang wikang Filipino. Maaaring simple lang siya sa unang tingin, pero kung ating titignang mabuti may mas malalim pang kahulugan.
Isa itong panghihikayat at pagpapaalala na sa mundong ito hindi lamang tayo ang naninirahan dito, may mga hayop din. Karapatan din nila ito, kanila rin itong tahanan. Kung kaya't sa bawat gagawin natin sa kalikasan atin silang isaalang-alang. Huwag sana nating abusuhin ito, dahil hindi lang tayo ang nakikinabang dito, bagkus ay atin itong ingatan at alagaan.
Bigyan natin sila ng kalayaan na maramdaman ng mga hayop ang isang magandang tahanan.
Dahil tayo rin ay bahagi lang ng kalikasan, tayo ay minsan ding dayuhan, kaya't atin itong pahalagahan.by Friane Xianley S.
TindahanGulaman para sa miryendaby Princess Axeesha M.
Almusal ng mga BatanguenoAng pinapakita ng larawan na ito ay isang tindahan na nagbebenta ng malunggay pandesal para sa mga tao ng Batangas. Upang makapuno ito ng kanilang kakainin para sakanilang umaga.by Chloud Wilfredo Domingo V.
tinapay para sa bayanAng larawan na ito ay nag papakita ng isang bagong panaderya na nag titinda ng mga tinapay na hindi malilimutan nating mga pilipino hanggang sa ating pag tanda. Mga tinapay na may gawa ng pag mamahal.by Gianna I.
Kainan ng tomasinoAng larawan na ito ay ipinapakita ang isang magandang karinderya kung saan maraming tao ang dumadayo upang matikman ang kanilang masasarap na putaheby John Robert P.
“ Books gives us realization ”First photo :
“ It’s not always the past the we crave ” I captured that line because it hits me— for me it tells that, we’re not just craving for the past but we just also remembering what it feels to felt again what had happened before like sometimes we miss how thing went well before, how the memories gives us lessons that we will always stays in our hearts mind. Though the books it’s not all about what I’m really saying but it’s about the lines that snaps and the realization. It also tell in the book that “ each has a different way of distortiong reality ” and “ nostalgic recollection of good old days ” tells that there’s really so much things changes day by day that we really didn’t realize.by Ashley G.
Wikang NagpapaalalaMay mga salitang simpleng basahin, ngunit malinaw ang ipinahihiwatig. Sa isang karatulang nakikita sa karaniwang lansangan, nasasalamin kung paano nagiging bahagi ng ating araw-araw na buhay ang wika. Minsan, isang maikling paalala lamang ang kailangan upang mapanatili ang kaayusan, respeto, at malasakit sa lugar na ating pinagsasaluhan.
Dahil ang wika ay hindi lang para sa mahahabang kuwento. Maging sa simpleng paalala, may mensaheng kailangang marinig.by Roven Raxell M.
Marinduqueños ‘ litson manok.by Ashley Mhiel Amalia P.
Talk to me-GodA meaningful reminder to turn to God for guidance, comfort, and strength during difficult moments.by Jemae S.
Buwan ng WikaSa paggamit ng ating talento, paggawa man ng sining o ng kahit anong malikhaing gawain, maaari natin maipakita at maibahagi sa bawat kabataan o mamamayang pilipino na tayo ay proud sa ating wika.by Syesha Nicole S.
AtsaraAtsara - ay super sikat na Filipino side dish/condiment. Matamis-asim, tapos may kasamang carrots, bell pepper, minsan pasas at bawang. Partner yan sa fried food, inihaw, longganisa, at lechonby Angela A.
MABUHAYgasby April G.
Pagtatapon ng Basura, mahigpit na IpinagbabawalIsang paalala mula sa Lungsod ng Sto. Tomas na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon at pagsusunog ng anumang uri ng basura. Layunin nitong mapanatili ang kalinisan at pangalagaan ang kapaligiran. Ang mga lalabag ay maaaring pagmultahin ng ₱500 hanggang ₱5,000.by Chloe Margareth L.
Sa Bawat TusokSa simpleng buhay, makikita ang pagkaing-kalye na bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Sa bawat tusok, nadarama ang simpleng saya sa pagkaing hindi lang nakakabusog, kundi saya at pagkakaisa ng mga tao.by Ryen Samantha S.
Kaligtasan ng Pilipino ating unahinSa iba’t ibang sakuna na nararanasan ng bawa’t mamamayan, marapat lamang na ating siguraduhin ang proteksyon ng bawa’t isa. Dito, malalaman natin kung ano ang dapat gawin kapag naranasan ito. Sa pagsasagawa ng mga hakbang, maiiwasan natin ang tyansa na mapahamak at malagay sa alanganin ang iba.by Rhazel Ann S.
Silip sa SulokIsang matapang na panawagan para sa katotohanan at katarungan ang nakapaskil sa mga pader ng Ermita, Manila. Isa itong makapangyarihang paalala sa pananagutan na dapat harapin ng sinumang nasasangkot sa kurapsyon, at isang sigaw para sa tunay na pagbabago sa ating lipunan.by Sanja Amos U.